
Ang「Sistemang Aichi
Medikal Interpreter」ay nagbibigay ng serbisyo na Interprete
sa telepono, pagpapadala ng interpreter, at translation para sa mga residenteng dayuhan na nahihirapan magsalita
ng wikang hapon.
Nagpapadala kami ng interpreter na sinasanay ng Unibersidad ng Prefektyur
na may malawak na kaalaman at mayroon kasanayan sa interpretasyon ukol
sa mediko ayon sa kahilingan ng medikal institusyon. Ang suportang wika
ay Ingles, Intsik, Portuguese, Espanyol at Filipino.
Kapag
walang maipadala na interpreter, ang interprete sa telepono ay susuporta sa unang
tsek up, hating gabi o kahit saradong araw ng 24 na oras 365 araw. Magagamit
ito sa pamamagitan ng pagtawag ng medikal institusyon sa interpreter operator.
Ang suportadong wika ay 5 lengguwahe
na nakasaad sa itaas at koreano 6 na lengguwahe.
Ang
serbisyong translation ay upang i-translate ang mga sulat ng pagpapakilala ng
medikal institusyon. Ayon sa kahilingan ng medikal na institusyon ay gagawin ng
medikal interpreter ito.
Ang
mga serbisyong ito ay magagamit lamang sa medikal institusyon na inaplayan mo. Ukol sa
medikal na institusyon, mangyaring tingnan sa ibaba .
Mayroon ding di-pampublikong medikal na institusyon, para sa karagdagang impormasyon, mangyaringmakipag-ugnay sa opisina<050-3816-7465>.
◎Kapag
pumunta sa medikal institusyon ng walang reserbasyon, maaari kang suportahan ng
interprete sa telepono ngunit hindi puwede ipadala ang interpreter.
Kung mangyari man ang
sumusunod, ipapadala namin ang interpreter. Pero kapag hindi ito’y emerhensiya,
mangyaring makipag-ugnay sa opisina(050-3816-7465) ukol sa reserbasyon ng
pagpapadala ng interpreter.
・ Kung mahirap ang nilalaman
at nais kumonsulta ng maigi.
・
Kung walang kaalam-alam sa wikang hapon (ito’y
mahihirapan sa paglipat-lipat dahil sa medikal institusyon ng japan ay merong resepsyon→waiting
room→examination room→Cashiers(→parmasya) kaya’t pag hindi maunawaan ang wikang
hapon sa pag hiling palang sa interprete sa telepono ay matatagalan na ito. At
kung hindi mabasa ang karatula mahihirapan na lumipat-lipat ito.)
|