Aichi Medical
Interpretation
System

About

Aichi Medical Interpretation System
Aichi Medical Interpretation System
Naghahandog ang Aichi Medical Interpretation System ng serbisyo ng pagpapadala ng medical interpreter, pag-interpret sa telepono, at pagsasalin ng dokumento na tumutugon sa request ng mga medikal na institusyon upang panatag ang loob na makatanggap ng medikal na serbisyo ang mga dayuhang naninirahan sa Aichi Prefecture. Pinatatakbo ito ng "Aichi Medical Interpretation System Promotion Council" na magkakasamang itinatag ng Aichi Prefectural Government, 54 na munisipalidad, mga samahang nauugnay sa medikal na serbisyo, at mga unibersidad sa loob ng Aichi Prefecture noong Pebrero 2012.

News

  • Hulyo 6, 2023

    Nagbago ang pangalan ng kumpanya ng operation office. (Bagong pangalan: BBRIDGE MULTILINGUAL SOLUTION, INC., Dating pangalan: BRICK's Corporation) → Narito ang mga detalye

  • Abril 19, 2023

    Nagre-recruit ng mga medical interpreter (English, Portuguese) sa Aichi Medical Interpretation System FY 2023. → Narito ang mga detalye

  • Marso 31, 2023

    In-update ang site.

Para sa mga Pasyente (taong gustong pumunta sa ospital)

For
Patients

Para sa mga Pasyente
(taong gustong pumunta sa ospital)

Sa mga medikal na institusyon sa Aichi Prefecture na nakarehistro sa Aichi Medical Interpretation System, maaaring gamitin ang serbisyo ng pagpapadala ng medical interpreter, pag-interpret sa telepono, pagsasalin ng referral letter, atbp.

Mga Serbisyo

  • Pagpapadala ng Interpreter

    Magpapadala kami ng medical interpreter sa mga ospital atbp.

    [Mga Wika]
    English, Chinese, Portuguese, Spanish, Filipino, Vietnamese, Thai, Indonesian, Nepali, Malay, Arabic, Korean, Burmese

  • Pag-interpret sa Telepono

    Tumutugon kami 24 oras, 365 araw sa pag-interpret sa telepono.

    [Mga Wika]
    English, Chinese, Portuguese, Spanish, Vietnamese, Filipino, Korean
    (*Vietnamese at Filipino: 8:00 am - 8:00 pm)

  • Pagsasalin ng Dokumento

    Nagsasagawa kami ng pagsasalin ng referral letter atbp. na para sa medikal na institusyon.

    [Mga Wika]
    English, Chinese, Portuguese, Spanish, Filipino, Vietnamese, Thai, Indonesian, Nepali, Malay, Arabic, Korean, Burmese

Madalas na Itanong (Q&A)

Q1. Mayroon bang bayad sa paggamit?

Sa patakaran, mayroong bayad sa paggamit. (Hal. Kung magpapadala kami ng interpreter, ayon sa detalye ng kaso, 1,500 o 2,500 yen para sa 2 oras ang babayaran ng pasyente.)

Q2. Sa anong kaso maaaring gamitin ang serbisyo?

Maaaring gamitin kung kinilala ng medikal na institusyon na kinakailangan ito. Hindi maaaring direktang mag-request ang pasyente sa operation office para sa pagpapadala ng interpreter atbp.

Q3. Saang medikal na institusyon maaaring gamitin ang serbisyo?

Tungkol sa mga medikal na institusyon kung saan maaaring gamitin ang mga serbisyong ito, mangyaring tingnan ang mapa o listahan sa ibaba.

Mangyaring tingnan ang listahan dito.

*Ipinapakita ang mga institusyong pumayag sa pagsasapubliko sa website na ito.

Mapagtatanungan

Kaugnay sa paggamit ng sistema

Aichi Medical Interpretation System Operation Office (sa loob ng BRIDGE MULTILINGUAL SOLUTIONS INC. (dating BRICK's Corporation))
Numero ng Telepono: 050-3816-7465
(9:00 am - 5:30 pm sa weekday)
Fax: 050-8882-6293
Email: aimis-jimukyoku@bricks-corp.com

PAGETOP